Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: 150K Moderna bakuna parating sa Mayo

0 96

Umaasa si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na hindi maaunsiyami ang pagdating ng Moderna vaccine na nakatakda sa Mayo ngayong taon.

Ayon kay Lacson, nakatanggap siya ng impormasyon hinggil sa inisyal na 150,000 dose mula sa Moderna kaya’t pinasalamatan nito sina Ambassador to the US Jose Emmanuel “Babe” Romualdez at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagsusulong na makakuha ang bakuna.

“Initial 150,000 doses of Moderna vaccine due to arrive in May this year. So, I was told. Thank you Amb Babe Romualdez and your collaborations in the PH business sector and Moderna. US State Department too,” tweet ni Lacson.

Kasabay nito, umaasa rin si Lacson na hindi mauulit ang naunsyaming pagkuha ng 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer na ayon sa senador ay pinakiaalaman diumano ni Health Secretary Francisco Duque III.

“I can almost see Thursday lunch on the horizon. Thank you as well for prodding and pushing. No more dropping the ball,” tweet pa ni Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinagot naman ito ni Locsin sa pagsabing, “Right on the money, Ping. Right on”.

Nauna nang nagpasalamat si Lacson sa mga donor ng COVID-19 vaccine na dumating na sa bansa nitong mga nagdaang araw.

Sabi ni Lacson, ang mga bakunang galing China-based Sinovac at AstraZeneca ay makatutulong para maabot ang ‘herd immunity’ sa bansa.

“Always grateful to China and COVAX AMC for making us see a sliver of hope to achieve herd immunity,” tweet ni Lacson noong Biyernes. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.