Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: AFP hinakot Pharmally ng PPE sa China

0 68

Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na ginamit ang C-130 plane ng militar para sa delivery ng mga suplay na binili ng Pharmally sa China.

Subalit itinanggi ito ni National Task Force (NTF) on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr.

“We have that information but now that Sec. Galvez is denying it, then so be it. But we have our own sources,” pahayag ni Lacson sa Senate blue ribbon committee probe.

“I’m just wondering why we cannot accommodate a Filipino entrepreneur who’s willing to help because of the pandemic, tapos hindi natin bibigyan ng ganoong accommodation na binigay sa Pharmally,” dagdag nito.

Bago ito, kinuwestiyon ni Lacson kung hindi nabibigyan ng ganoong pagtrato ang mga local manufacturer kumpara sa mga dayuhang supplier.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin naman ni EMS Components Assembly chief executive Perry Ferrer, gumagawa ng lokal na face mask, na dumadaan ang mga inangkat nilang raw material sa Bureau of Customs.

Sila rin umano ang nagbabiyahe sa lahat ng delivery points gamit ang kanilang sariling sasakyan.

“Bakit ang accommodation sa foreign firm parang higit pa kesa sa accommodation kaysa sa sarili nating kababayan?” tanong ni Lacson.

Paliwanag naman ni Galvez, ang pagsara ng mga border ng bansa sa gitna ng pandemya noong 2020 ang dahilan kung bakit ginamit ang military plane sa pagbiyahe ng mga biniling PPE sa China patungo sa Pilipinas.

Bukod sa tatlong C1-30 flight, biniyahe rin ng Philippine Airline flights at 12 Cebu Pacific flights noong Abril 2020 ang mga may 280K PPE ga­ling China. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.