Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson, Ang, Razon swak na Pangulo sa 2022 — Sotto

0 119

Tatlong pangalan ang tinitingnan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa mga tingin niya’y magiging ideyal na Pangulo sa 2022.

Isa dito ay kasamahan niya sa Senado, habang ang dalawanaman ay kilalang mga negosyante na malaki ang naging tulongsa panahon ng COVID-19 pandemic.

“I have actually three choices… Ping Lacson, Ramon Ang, Enrique Razon,” “They would make good presidents,” lahad niSotto sa panayam ng ‘One News’.

Si Ang ay ang presidente ng San Miguel Corporation (SMC), naisa sa mga kompanyang nakatulong sa paggawa ng alcohol at personal protective equipment kontra COVID-19 pandemic.

Bukod pa rito ay ang pagpondo sa Skyway 3, na naglalayongmagpaluwag ng trapiko at magpabilis ng biyahe mula north at south Metro Manila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Razon naman ay ang CEO ng International Container Terminal Services (ICTSI), at nanguna naman para makapaghatid ng COVID-19 vaccine sa private sector.

Ngunit paliwanag ni Sotto, sina Ang at Razon ay walang balakna pasukin ang politiko sa 2022, at tingin nito’y si Lacson angnamumurong kandidato para sa pagka-Pangulo sa susunod nataon.

“Kausap ko ‘yung dalawa parehong ayaw eh, pero Ping is seriously considering it. He has the track record, he knows the problems,” saad ni Sotto.

“He’s the ideal president,” aniya pa. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.