Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson angat sa mga presidential bet – Henares

0 200

Inendorso ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Kim Henares si Senador Panfilo `Ping’ Lacson bilang pambato niya sa 2022 presidential elections.

Si Henares ay nagsilbing BIR chief sa administrasyon ni dating pangulong Benigno `Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay Henares, buo ang suporta niya kay Lacson dahil sa tiwala at kumpiyansa sa kapabilidad ng senador, kabilang na ang disiplina nito upang pamunuan ang bansa.

Aniya, mismong ang pumanaw na dating pangulong Noynoy Aquino ay malaki ang tiwala kay Lacson kung kaya’t itinalaga pa ito bilang rehabilitation czar noong 2013 upang pamunuan ang pagbangon sa mga lugar na hinagupit ng super bagyong `Yolanda’.

“I believe the next President will be inheriting and facing a lot of problems/challenges. More than what PNoy had to face. Therefore, we need someone who can hit the ground running, who have a clear vision on what he/she wants to do and have a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild),” ayon sa Facebook post ni Henares.

Binanggit pa ni Henares ang mga katangian aniya ni Lacson kung bakit karapat-dapat ito na maging susunod na pangulo ng bansa.

SM food to go Banner Ad

Ani Henares, mayroong malinaw na plano para sa bansa si Lacson at kaya nitong magpatupad ng disiplina sa pamahalaan.

Kabisado rin aniya ng senador ang proseso sa pagba-budget at kung paano ito ipatutupad.

Nais din umano ni Lacson na lumahok ang pribadong sektor sa mga proyekto at plano ng pamahalaan subalit sa malinaw na pamamaraan.

Sabi pa ni Henares, kailangan ng bansa ng isang lider na metatag subalit `statesmanlike’ para harapin ang China sa isyu ng soberanya ng Pilipinas.

“It is clear he has a plan for governing. And this is the reason why I am supporting Ping Lacson,” pagdidiin pa ni Henares. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.