Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson angat uli sa debate: Korapsiyon talamak sa mahinang pangulo

0 162

Binigyag-diin ni presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson na hindi sistema kundi ang kahinaan ng tao ang siyang pangunahing ugat ng korapsiyon sa pamahalaan.

Ito ang sagot ni Lacson sa pangalawang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) Linggo ng gabi kung saan tinanong lahat ng kandidato sa pagkapangulo tungkol sa korapsiyon.

“Ang korapsiyon ba ay kahinaan ng tao o ng sistema? Ano ang solusyon?” ayon sa tanong sa mga presidential candidate.

“Hindi mahina ang sistema. Marami tayong batas at institution na tumatakbo. Kahinaan po ng tao. Kahinaan ng tao sa gobyerno,” pahayag ni Lacson.

Binanggit pa ni Lacson ang kanyang natutunan sa pag-aaral noon sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan napakahalaga aniya ng “leadership by example”.

“Kapag ang namumuno ay hindi kaya gawin ang kanyang pinag-uutos sa kanyang mga tauhan `di po magsa-succeed,” ani Lacson.

“Meron tayong ARTA (Anti-Red Tape Authority), Government Procurement Act, Philippine Competition Act, napakaraming batas. Meron tayong Ombudsman, meron tayong Sandiganbayan. So ang kahinaan `di sa sistema, sa taong nagpapatupad ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. `Yan ang ating dapat supilin, palakasin ang sistema ng pamamalakad,” dagdag ni Lacson.

Inahalimbawa pa ni Lacson na ugat ng korapsiyon ay mga proyekto ng mga kalsada sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan substandard ang materyales na ginagamit sa paggawa kaya’t madali itong masira.

“Nanggaling kami sa ibang lugar, sa Zamboanga del Norte. Napakahabang stretch ang nilakbay, bago ginawa ang kalsada lubak-lubak. Sabi ng driver kagagawa lang nito Sir, pero sira-sira na. Bakit walang nag-a-audit? Kung ako namumuno ipapa-drill ko lang `yan malalaman ko kung substandard ang materyales at ipakukulong dapat kasuhan ang contractor at magturo siya kung sino ang kanyang proponent at pareho silang makulong,” ani Lacson.

“Kaya hindi mahina ang sistema. Mahina ang tao particularly sa gobyerno,” pahayag pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.