Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson, Biazon ikakasa security meeting sa WPS

0 413

Ibinunyag ni dating senador Rodolfo `Pong’ Biazon na magkakaroon siya ng pagpupulong kasama si Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Ayon kay Biazon, ang pakay ng kanilang pulong ay para mahikayat si Lacson na magsumite ng isang resolusyon na magpapatawag naman sa National Security Council (NSC) sa isa pang pagpupulong.

Ani Biazon, layon nito na mapag-usapan ang mga posible at ligal na solusyon sa isyu kontra China sa West Philippine Sea (WPS).

“`Yong kilos natin ay dapat nakabatay sa tatlong bagay: ang una ay `yong United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS); pangalawa `yong Philippine Base Line Law, at `yong pangatlo ay `yong ruling ng Arbitral Tribunal sa Hague. Ang ating ikikilos ay dapat nakabase sa legal issues,” pahayag ni Biazon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ng dating senador, kailangang magkaisa ang mga lider ng bansa upang masolusyonan ang problemang kinakaharap.

“Hindi natin naipapaliwanag doon sa dapat makaintindi sa nangyayari dito sa West Philippine Sea. Nakikita natin iba ang sinasabi ng Secretary of Defense, iba ang sinasabi ng Secretary of Foreign Affairs…pero iba ang nadidinig natin doon sa pinakamataas na awtoridad ng Pilipinas. Kaya nalilito, nako-confuse ang tatlong dapat na makaintindi doon sa isyu na ito,” ani Biazon.

Sinabi pa ni Biazon na ang pagkakaisa ng bansa sa pagkakaroon ng solusyon sa isyu ng WPS ay hindi nangangahulugan na naghahanap ang Pilipinas ng giyera. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.