Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Bilyon inutang pero sa bakuna, nganga!

0 202

Baon na sa bilyong utang ang gobyerno subalit tila mabagal pa rin sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson dahil hanggang ngayon aniya patuloy pa rin ang pag-aaral o wala pang aktuwal na order kung anong brand ang bibilhin taliwas sa ibang bansa na nag-uumpisa na ng vaccination o `di kaya’y naghihintay na lang ng delivery ng bakuna.

“Parang kahiya-hiya na `yong gobyerno. Naka-ilang loans na ba tayo para sa vaccine? Bakit hanggang ngayon ay wala tayong vaccine?” pahayag ni Lacson sa panayam sa radyo.

Nakatanggap na ang Pilipinas ng 2.5 milyong doses mula sa AstraZeneca sa tulong ng pribadong sektor.

“Hindi ba disgusting na private sector pa ang nanguna para magkaroon tayo ng pangunahing vaccine na proven naman dahil ginagamit sa ibang bansa?” sabi ni Lacson.

Ayon sa senador, panahon na para magkaroon ng “sense of urgency” ang Department of Health (DOH) at ang Food and Drug Administration (FDA), at gamitin ang kanilang kapangyarihan na mag-isyu ng special permit para madaling makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

“Why don’t they exercise their power to issue a compassionate special permit? Their officials keep claiming they are still conducting studies. Mamamatay tayo sa ka-study eh,” sabi ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.