Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson bitbit ng mga ex-AFP, PNP general

0 169

Inaasahan ang pormal na anunsiyo ngayong Lunes ng mga retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para suportahan ang kandidatura ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa presidential election sa Mayo 9, 2022.

Sa isang pahayag ng kampo ni Lacson, magkakaroon ng press conference ang mga ex-general ng AFP at PNP para pormal na ipahayag ang kanilang suporta sa pagtakbo ng senador sa pagka-pangulo.

Tinawag ang grupo bilang “Generals for Ping” na mga aktibong sumusuporta kay Lacson sa presidential election.

Samantala, solido pa rin kay Lacson ang kanyang mga tagasuporta mula sa Negros Oriental kahit tumatakbo na ito bilang independent presidential candidate.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglabas kahapon ng grupo at tiniyak na hindi sila titigil na ikampanya si Lacson na simula pa lamang ay nagpakita na ng kakayahan, matibay na kuwalipikasyon at kasanayan bilang isang lingkod-bayan.

“While Panfilo `Ping’ Lacson may have resigned from Partido Reporma, he remains as a candidate for president for the May 2022 elections. There is no truth to the reports that he has withdrawn from the presidential race,” bahagi ng pahayag ng grupo.

Inilabas ng grupo ang pahayag bilang pakikiisa kay Lacson na nag-anunsyo ng kanyang desisyon na umalis sa Partido Reporma matapos na umanib ang presidente nitong si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa ibang presidential candidate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.