Abante Tonite Interactive

Lacson bumilib kay Robredo

0 178

Bumilib si Senador Panfilo Lacson kay Vice President Leni Robredo makaraang makausap niya ito at sabihin na kaila­ngang mas mag-focus ngayon ang gobyerno sa bagong strategy kung paano masosolusyunan ang problema sa iligal na droga.

“We met this morning. It was a good meeting. She already has good knowledge and information about the drug problem and has some sound and workable plan to improve the ongoing fight against illegal drugs,“ sabi pa ni Lacson.

Aniya, kargado ng kaalaman si VP Leni tungkol sa problema sa droga sa bansa at malinaw ang kanyang mga plano kung paano ito malalabanan.

“Apparently she’s doing a lot of readin­g. I agree with her that it’s about time after more than three years of hitting hard on the street pushers and even users to shift the strategy and focus more on the supply constriction side rather than demand reduction,” turan pa ng senador,
‘Wag husgahan si VP Leni – Go

Sa halip na batikusan, dapat umanong bigyan ng pagkakataon si VP Robredo na gampanan ang kanyang trabaho bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o (ICAD), ayon kay Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

At ngayong mamumuno na umano siya sa kampanya laban sa iligal na droga, sinabi ni Go na mararamdaman rin ng Bise Pre­sidente kung gaano kahirap ang trabaho ng Pangulo para masugpo ang iligal na droga.

“Ngayon imbes na i-criticize niya ang Pangulo, siya na ang nasa taas, malalaman rin niya kung gaano kahirap ang trabaho ng Pangulo,” pahayag ni Go sa panayam ng mga reporter sa groundbreaking ceremony ng housing project para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tanauan, Leyte.

“Sabi ni Vice President Leni, ayaw niya may inosente na madamay. Kami rin ni Pa­ngulong Duterte,” dagdag panito.

Hangad din umano niyang maging matagumpay si Robredo sa pamumuno para masugpo ang droga sa bansa.

Binigyang-diin pa ng senador na kaila­ngan protektahan ng bansa ang bawat Pi­lipino sa masamang epekto ng iligal na droga.

“Ako naman po ang magbibilang sa July 2022. Kung binibilang nila kung ilang ino­sente ang namamatay, wala naman ang may gustong may mamatay na inosente,” ani Go.

“Ako naman ang magbibilang, iilan pa kaya na inosenteng Pilipino ang mabibiktima ng ilegal na droga na ito?” wika pa nito. (Dindo Matining)