Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: China matitigil pambu-bully `pag pinagkaisahan

0 35

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na ang pakikipagtulungan sa malalakas na bansa para suportahan ang freedom of navigation sa West Philippine Sea (WPS) ang makapagpatigil sa China sa pambu-bully nito sa mga kalapit na mahihinang bansa.

“Common fishing ground, tapos common possession, `yon ang pinag-uusapan diyan. Pero para i-bully mo ‘yong kapitbahay mo na para paalisin mo doon sa kanila mismong teritoryo, like the Ayungin Shoal, sa akin (that’s unacceptable),” sabi ni Lacson sa mga mamamahayag na nakabase sa Palawan, noong Sabado.

Tinukoy ng presidential candidate ng Partido Reporma ang pag-atake ng mga Chinese Coast Guard laban sa mga hindi armadong barko ng Pilipinas, gamit ang water cannon sa Ayungin Shoal noong Nobyembre 16.

Aminado si Lacson na malakas ang China pagdating sa kanilang kagamitang pangmilitar at impluwensya sa ekonomiya.

SM food to go Banner Ad

Kaya malalagay umano sa alangin ang Pilipinas kung direkta nitong kokomprontahin ang puwersa ng China. Kinakailangan aniya na mapalakas natin ang alyansa sa iba pang bansa na kayang harapin ang lakas ng China.

“Hindi natin kaya talaga mag-isa na i-confront ‘yong China. So, hihingi tayo ng tulong sa mga malalakas na bansa,” sabi ni Lacson.

Samantala, positibo ang reaksyon ni Lacson sa mariing pagtutol ng mga alyadong bansa tulad ng United States, laban sa agresibong aksyon ng China.

Sinabi ng batikang mambabatas na sinusuri ng US ang posibilidad na palakasin pa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Pilipinas, para makatulong sa pagprotekta ng mga hangganan ng bansa at maiwasan ang mga ganitong pag-atake sa hinaharap.

“Gusto nilang (US) i-enhance (pa ‘yong EDCA) including funding requirements. Sa tingin ko medyo nagiging agresibo nang kaunti ‘yong United States pagdating sa usapin sa West Philippine Sea, which is a good indication,” sabi ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.