Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: DOH sablay sa COVID report

0 287

Malaki ang naging pagkukulang ng Department of Health (DOH) sa pag-uulat ng mga datos ukol sa COVID-19 infection sa bansa ngayong umaabot na sa libo ang bawat positibong kaso nito kada araw, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Sa panayam ng Abante Radyo Tabloidista Sabado ng umaga, sinabi ni Lacson na nakita ngayon sa pagtaas ng testing capacity ng Pilipinas na hindi tumpak ang nilalabas na mga datos ng DOH noong kaunti pa lang ang nire-report na COVID-19 positive.

“So hindi pa rin nag-i-improve ang mga gap sa pagte-test at paglabas ng resulta. Dapat talaga ma-improve `yan. Marami na tayong pang-test mga PCR machines kung saan-saan na, at dapat binigyan nila at least man lang 1-2 days nariyan na resulta para `di na makahawa pa ang positive na `di pa nila alam na positive,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.