Abante Tonite Interactive

Lacson, Honasan pinarangalan ng PMA

418

Binigyang-parangal ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAAI) kahapon ang ilang mga natatangi nilang mga Cavalier o Alumni.

Sila ang nagpamalas ng natatanging husay at nagbigay ng mala­king ambag sa paghubog ng bansa sa pamamagitan ng serbisyo publiko.

Ang host classes para sa taunang alumni homecoming ay ang PMA Class of 1960, PMA Magiting Class of 1970, PMA Marilag Class of 1995, Sanghaya Class of 2000, Sanlingan Class of 2005, Masidlak Class of 2010 at Sinaglahi Class 2015.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Sen. Panfilo Lacson, DICT Sec. Gregorio Honasan at dating Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop para sa Public Administration. Gayundin si Defense Undersecretary Ariston delos Reyes para naman sa Alumni Affairs, Bernardo Fabula para sa Private Enterprise, dating P/MGen. Luyndon Cubos para sa Staff Functions at B/Gen. Nemesio Gacal ng Army’s 4th Infantry Division para naman sa Command and Administration.

Panauhing pandangal naman para sa alumni homecoming ngayong taon si Vice Admiral Eduardo Santos Jr., ang Pangulo ng Maritime ­Academy of Asia and the Pacific. (Edwin Balasa)