Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson ibabangon ‘Pinas sa pandemya

0 43

Nagpaalala si presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga Pilipino nitong Martes (Mayo 3) na sumunod pa rin sa mga hakbang para maiwasan ang COVID-19, kahit hindi na nakakaalarma ang pagtaas ng mga kaso nito sa bansa, kumpara sa mga nakalipas na buwan.

“While we are prepared to transition from pandemic to endemic—meaning, parang ordinaryong flu na lamang ang trato—huwag nating kalimutan anytime baka pasukin na naman tayo at magkaroon ng panibagong surge,” sabi ni Lacson sa kanyang talumpati sa Muntinlupa City.

Sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga residente ng Mutual Homes sa Barangay Putatan, sinabi ni Lacson na handa siyang pamunuan ang pag-move on ng bansa mula sa pandemya patungo sa endemic status ng COVID-19, sakaling mahalal siya bilang susunod na pangulo ngayong Halalan 2022.

SM food to go Banner Ad

Sakaling magwagi bilang mga susunod na lider, inihayag ni Lacson na ipagpapatuloy ng kanyang team ang maagap na solusyon para maresolba ang mga krisis gaya ng pandemya ng COVID-19, tulad ng kanilang ginawa bilang mga mambabatas.

“Sa gitna ng pandemya, simula nu’ng Pebrero, Marso—buong 2020—hindi niya po inalintana ‘yung banta ng COVID-19. Kami pong dalawa, kami lang ‘yung namumukod-tangi, always present physically (sa Senado…) Never absent, never late,” sabi ni Lacson.

Nauna nang binanggit ng presidential aspirant na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ihahanda niya ang Pilipinas laban sa banta ng mga posible pang susunod na pandemya sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa sektor at research and development. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.