Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson inaalagaan karapatang pantao

0 158

Kung karapatang pantao din lang naman ang pag-uusapan, malinaw na malinaw na mayroong magandang rekord si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson.

Ang iba kasi ay pag-iingay lang ng mga katagang “ipagtanggol ang karapatang pantao” ang alam pero kapag tinanong naman kung ano na ang nagawa para ito ay ipaglaban o itaguyod, nangangapa naman ng maisasagot.

Sa situwasyon ni Ping, kampante niyang masasagot ang mga tanong na ganyan dahil bagama’t isa siyang dating alagad ng batas, hindi niya nakakaligtaan na alalayan ang sangay ng pamahalaan na na nagpapatupad nito, ang Commission on Human Rights (CHR).

Nitong nakaraan nga lamang ay tahasang itinuwid ni Ping ang impresyon na ipinukol sa kanya ng isang tv anchor na siya, bilang dating alagad ng batas ay mas tagapagpatupad ng batas kesa sa tagapagtaguyod ng karapatang pantao.

Sa pagtutuwid, binalikan ng Reporma standard bearer ang mga serye ng pagtatanggol niya sa taunang panukalang badyet ng Commission on Human Rights (CHR), sangay ng pamahalaan na ang responsibilidad ay ipagtanggol ang kaparatang pantao ng mga mamamayan, para ito ay madagdagan at mas marami pa ang mapaglingkuran.

Bilang chairperson ng Senate Finance subcommittee C, si Lacson kasi ang nag-iisponsor sa badyet ng CHR sa plenaryo ng Senado mula noong muli siyang manungkulan bilang senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I have consistently augmented their (CHR) budget para makapagtrabaho sila nang mas maayos,” diretsahang tugon ni Ping sa broadcaster na si Karmina Constantino, sa tanong kung ano ang puwang ng karapatang pantao sa kanyang plataporma.

At base pa sa rekord, noong 2017 ay naiangat ni Lacson tungo sa P693 milyon ang pondo ng CHR mula sa P573 milyon matapos na magbanta ang Kamara na gawin na lamang itong piso dahil sa usapin ng karapatang pantao vs drug war ng kasalukuyang gobyerno.

Naging dibdiban din ang pakikipag-ugnayan ni Lacson sa namayapang si dating CHR Commissioner Luis Martin “Chito” Gaston para matiyak na lahat ng mga proyektong mangangalaga at magbibigay proteksiyon sa karapatang pantao ay masusustinihan sa harap ng salungat na sistema ng gobyerno.

Kaya nga kung ebidensiya at ebidensiya din lamang ng pagtataguyod sa karapatang pantao ang pag-uusapan, maliwanag na nakatatak na sa isipan ng mismong mga taga-CHR kung gaano ang kabigat ang naging tulong sa kanila ni Ping.

Ang respeto at pagpapahalaga sa karapatan ng lahat ay nakapaloob din sa alituntunin ng Partido Reporma na ngayon ay pinamumunuan ni Lacson bilang standard bearer, gabay ang 40 taon nang paninilbihan bilang lingkod-bayan.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.