Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson istrikto, loyal swak na presidente – Sotto

0 232

Kinumpirma ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang umano’y namumuong tandem nila ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa 2022 presidential election.

Sa isang panayam kamakailan, inamin ni Sotto na seryosong pinag-uusapan ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente ni Lacson sakaling tumakbo ang huli bilang pangulo ng bansa.

“Pinag-uusapan nga `yan. Totoo namang pinag-uusapan `yan. Siguro mga consultative meetings muna. Una, anong mai-offer at ano’ng track record? Tapos tingnan natin kung makakakuha ng suporta sa kababayan natin. Kung sakaling tatakbo si Senator Lacson, siguradong magkasama kami,” ani Sotto.

Dagdag ni Sotto, matagal na niyang kasama si Lacson kaya’t alam niya ang natatanging kuwalipikasyon nito.

“Si Senator Lacson hindi corrupt at galit sa corrupt – para siyang Lee Kwan Yew ng Pilipinas. At dahil istrikto siya, pag nagdesisyon totohanan. Loyal. `Yan ang kailangan nating qualities ng taong gusto nating lider natin…may puso, matapang, may paninindigan, may utak, at `di corrupt,” diin niya.

SM food to go Banner Ad

Sa posibilidad na tatakbo rin bilang pangulo ang mga kilalang personalidad tulad ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, malinaw ang pananaw ni Sotto.

“Siyempre formidable na kandidato `yan. Kung ikaw makakaisip kumandidato, ang dapat isipin mo ano ma-offer mo sa bansa at sarili mo intindihin mo, hindi kung sino kasabay mo na tatakbo. Hindi magandang quality ng kandidato ang isipin ang kalaban. Alternative ka… I have no problem with whoever wants to run. Para may pagpilian ang kababayan natin,” paliwanag ng Senate president.

Si Lacson ay naging senador noong 2001 at nakadalawang termino hanggang 2013. Muli siyang tumakbo bilang senador noong 2016. Naging bahagi rin siya ng gabinete ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR).

Kilala si Lacson sa kanyang paninindigan laban sa korapsyon. Bukod sa maraming batas na kanyang inakda, mahigpit ang pagtutol ni Lacson sa pork barrel system na aniya’y ugat ng korapsyon sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.