Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson itutulak P18B libreng Wi-Fi project

0 97

Siniguro ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na isusulong sa Kongreso ang pag-apruba sa hinihinging P18 bilyong budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para maisagawa na ang proyekto nito na pagkakabit ng libreng Wi-Fi sa buong bansa.

Ayon kay Lacson, napakalaking bagay ng national broadband program ng tanggapan ni DICT Secretary Gregorio `Gringo’ Honasan na magbibigay ng libreng Wi-Fi para sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Inihalimbawa nito ang mga nangyayari ngayon kung saan napakahirap umano ang `virtual’ na mga transaksyon o komunikasyon dahil maraming limitasyon.

“Kaya sayang ang budget ng DICT `yan ang gusto ko ipaglaban. Free Wi-Fi `yan for government agencies pati national broadband program nila. Kung napondohan nang husto `yan hindi na magsub-subscribe ang government offices,” sabi ni Lacson sa panayam sa radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakatipid pa umano ang gobyerno ng mahigit P700 milyon kapag naisagawa ang libreng Wi-Fi project.

“Sa loob ng limang taon kung gumagana na ang national broadband program nasa mga P34B ang savings ng government. E `di sulit na sulit sana ang P18B kasi hingi nila para mailatag buo,” ani Lacson.

Nabatid na P18 bilyon ang hinihinging pondo ng DICT para sa nasabing proyekto subalit sinabi ni Lacson na P902 milyon lamang ang inilaan para rito.

“Walang pupuntahan `yan (P902 milyon). Kaya sayang `yan, kaya gusto ko talaga itulak na sana pagbigyan, ibigay ang hinihingi ng DICT. After all sa loob ng 5 taon P34B ang natipid ng government, efficient pa. Hindi pa putol-putol `pag may virtual committee hearings or deliberations,” sabi pa ni Lacson na umaasaang susuportahan ng mga kasamahan at ng Malacañang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.