Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson kay Parlade: Ingat sa pagbitaw ng salita

0 205

Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson si Armed Forces Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na maging maingat sa kanyang mga sinasabi nang sa ganun ay hindi makompromiso ang kanyang misyon.

Ayon sa chairman ng Senate committee on national defense, nakikita naman niyang “dedicated” si Parlade bilang isang opisyal ng AFP para tuparin ang kanyang gawain na matagal nang problema ng insurgency sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“That being said, his only fault is that he over-analyzes and over-talks, with some of his public statements threatening to affect his mission,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

“The purpose of surveillance work is defeated when the subject becomes aware that he is being tailed. Maybe a little prudence and self-discipline on Lt. Gen. Parlade’s part will help,” dagdag nito.

Ginawa ni Lacson, dating Philippine National Police chief ang pahayag matapos ibunyag ni Parlada na sina dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares at mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ay nasa ilalim ng surveillance dahil sa pagiging “card-bearing” na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.