Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson lodi ng kabataan sa malinis na politika

0 59

Hanga ang kabataang estudyante sa katangian ni presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson bilang batikang senador at sa ipinakita niyang ehemplosa kanyang kandidatura na hindi lumubog sa‘entertainment politics’.

Umpisa pa lamang ng kampanya ay pinatunayan na ni Lacson ang prinsipyo niya na ‘leadership by example’ nang pangunahan ang ng pagtatagu­yod samas makabuluhang talakayan hinggil sa politika.

Ipinakita ni Lacson hindi lamang sa kanyang mgakatunggali ngayong Halalan 2022, ngunit para samga botanteng Pilipino, ang magandang maidudulotng kampanya na hindi idinaraan sa kantahan, sayawan, o pagbibigay-aliw sa publiko.

Dahil dito, saan mang lugar dumalaw si Lacsonkasama ng kanyang mga senatorial candidate ay nagkakaroon ng makabuluhang dayalogo sa kanilangmga town hall meeting.

Madalas na makatanggap ng papuri si Lacson, lalona sa mga kabataang estudyante na dumadalo sakanyang mga town hall meeting, tulad ng nagpakilalang si ‘Kim’ na isang political science student sa University of Santo Tomas na aktibonglumahok sa forum na ginawa sa Bulacan kamakailan.

“Alam niyo po, Sir Ping, ang mga kaklase ko ponasa ibang kandidato sila. Ako lang po sa amingbatch (ang) sumusuporta sa inyo. Kaya po humilingpo ako ng picture para ipagmalaki ko po sa kanilana ang kandidato nila nangangarap pa lang, angkandidato ko mayroon nang plano [at] mayroon nangsolusyon,” sabi ni Kim kay Lacson.

Ganito rin ang sentimiyento ng political science graduate na si Lawrence Villano na taga-Zamboanga City na binisita rin ng Team Lacson noong Marso. Ipinagmamalaki niya na si Lacson ang ibobotoniyang presidente dahil sa kanyang pagiging‘Budget Guard.’

“Puro pera, pera, ang pinag-uusapan natin kaninapa. Trivia lang, si Senator Ping ay tinawag na‘The Budget Guard’ dahil ‘yan ang reputasyon niyasa Senado. Hindi po niya tinanggap ang PDAF (Priority Development Assistance Fund) for 12 years. P300-billion po ang na-save niya sa lahatng nagawa niya sa Senado,” saad ni Villano.

Para kay Lacson, ang mga ganitong komento mula samga nag-iisip na botante ang dahilan kung bakitnais niyang maitaas ang antas ng talakayangpolitikal sa bansa upang makaalpas na tayo mulasa tradisyonal na kalakaran tuwing eleksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.