Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson magaling, lodi ko `yan – Bato

0 71

Hindi itinago ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa ang paghanga kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson na isa sa mga makakalaban niya sa 2022 presidential elections.

Inihayag ito ni Dela Rosa sa isang panayam sa radyo kahapon kung saan tinanong ang senador kung sino umano sa kanilang dalawa ang mas magaling.

“Sen Lacson is a better man no question about that, `di ko `yan ina-idolize kung `di `yan magaling,” pahayag ni Dela Rosa.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa parehong nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) at naging pinuno ng Philippine National Police (PNP) ay nagkasama rin sa Senado sina Lacson at Dela Rosa. Subalit mas naunang maging senador si Lacson kay Dela Rosa.

Naunang magdeklara si Lacson ng pagtakbo sa pagka-pangulo kung saan ay tandem nito si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Noong Biyernes, Oktubre 8, lang sorpresang naghain si Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.