Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Mali `pag di sinama sina Duque, Villar sa corruption probe

0 122

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang muling na namang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang korapsiyon sa buong pamahalaan dahil ilan sa mga kaalyado nitong opisyal ay tila inabsuwelto na nito.

Ayon kay Lacson, habang inihahayag ni Duterte ang pagbuo ng “mega” corruption task force, inabsuwelto naman nito si Health Sec. Francisco Duque III at Public Works Secretary Mark Villar na aniya’y hindi sangkot sa korapsiyon sa kani-kanilang mga ahensiya.

“Maganda yung move. Ang problema, at the outset mag-uutos ng mega task force to address corruption, in the same announcement meron na agad na mga exemptions. Para ang message is, ‘wag n’yong isama ito kasi hindi ito kasali”, pahayag ni Lacson sa online interview ng mga reporter.

“Dun pa lang it has already started in the wrong foot. Kasi dapat kung dapat mega task force, dapat iko-cover lahat including lawmakers. Kasi one is above the law. Pero bakit exempted dito, parang sinasabing ‘wag n’yong isama si Sec. Duque, ‘wag isama si Sec. Villar,” dagdag pa nito.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Lacson, hindi naman niya sinasabing sangkot sina Duque at Villars a korapsiyon subalit hindi aniya dapat silang protektahan sa anumang imbestigasyon.

“I’m not trying to say na yung dalawa eh may kinalaman sa korapsiyon, no! Pero para magkaroon agad ng at the outset, meron agad na hindi dapat galawin, paano magsa-succeed yung effort to curb corruption, di ba dapat lahat isama?” sambit ng senador. (Dindo Matining)

Nauna rito, nangangamba si Senador Francis Pangilina nab aka maaring gamitin ang binuong mega task force para gipitin ang mga taga-oposisyon.

“Okay ‘yan kung totoo at seryoso at pati malalapit na kaalyado hindi papaboran. Baka mga nasa oposisyon lang ang sasampahan ng kasong gawa-gawa lang,” sabi ni Pangilinan sa kanyang text message sa mga reporter.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang task force ay hindi awtorisadong maghain ng kaso sa Sandiganbayan laban sa opisyal ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.