Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Martires inuupuan kaso kay Faeldon

0 120

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Panfilo Lacson sa Office of the Ombudsman kaugnay ng hindi pag-usad ng isinampa niyang agricultural smuggling case laban kay dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Lacson, lagpas tatlong taon na aniya mula nang ireklamo niya si Faeldon subalit hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon ang Ombudsman na pinamumunuan ni Samuel Reyes Martires kahit na nagsumite na siya na matibay na ebidenisya para dito.

Sabi nito, maganda sanang ‘test case’ ang nasabing kaso sa iniakdang batas ni Senadora Cynthia Villar kung saan ginawang kasong economic sabotage ang agricultural smuggling.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The case that I filed 3 years ago for agricultural smuggling against then BOC Commissioner Faeldon et al which could have been a good test case for a relatively new law authored and sponsored by Sen. Villar on rice smuggling continues to languish at the Ombudsman in spite of clear documentary and testimonial evidence that we presented,” sabi ni Lacson sa kanyang text message.

Paniwala ni Lacson, maaring natatambakan ng kaso ang Ombudsman subalit dapat ay kailangan pa rin aniyang asikasuhin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng backlog ng mga kaso sa naturang ahensiya.

Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod nang pagsuspinde sa walong opisyal ng PhilHealth augnay ng iligal na pag-relase ng P2.7 bilyon mula sa interim reimbursement mechanism (IRM) ng ahensiya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.