Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson matagal nang matigas – Roque

0 660

Hinayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi kasama si Senador Panfilo Lacson sa mga kritiko ng gobyerno at sinabihan niya ng, “Manigas kayong lahat!”

Aniya, “Eh pagdating naman po kay Senator Lacson, idol ko po yan, palagi ko pong binuboto iyan at hindi siya kasama sa dapat manigas, dahil matagal na pong matigas itong ating idol na si Senator Lacson,” ani Roque.

Matatandaang hindi nagustuhan ng ilang mambabatas ang binitiwang salita ni Roque sa publiko na anila ay aroganteng pahayag ng isang opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na kaya niya nasabi ang kontrobersyal na pahayag ay dahil na rin sa walang tigil na batikos ng mga kritiko kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng lahat ng mga ginagawa ng administrasyon para sa taumbayan.

Wala aniya siyang intensiyong maging bastos dahil lahat ng nakakakilala sa kanya ay sanay na sa kanyang ganitong expression.

“Napakadami namang accomplishment itong gobyernong ito and yet kung babasahin mo iyong mga kritiko ay parang walang matinong ginawa,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.