Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson misyon na wakasan korapsiyon

0 42

Hindi napapagod si presidential candidate Panfilo `Ping’ Lacson sa kanyang krusada ngayong halalan na layong imulat ang mga Pilipino sa mabigat na hamon ng serbisyo publiko.

Sa isang press conference sa Dumaguete City noong Miyerkoles, ibinahagi ni Lacson na noon pa man, kahit may iilan siyang kasama, madalas niyang maramdaman na mag-isa siya sa pakikipaglaban sa bulok na sistema ng gobyerno.

Subalit sa kabila aniya ng hamon na ito, alam niyang napatunayan na niya ang kanyang sarili sa iba’t ibang mga pagkakataong sinubok ang kanyang paninindigan at prinsipyo.

“All my life, all my public service life, I always go against the tide. Somehow in so many ways, maski nag-iisa ako, talagang lumalaban ako. Ako lang mag-isa nga `yong lumaban against pork barrel and I was proven right in the end na talagang constitutionally infirm `yong pork barrel system,” ani Lacson.

Ito ang naging tugon ni Lacson sa tanong ng isang mamamahayag kung hanggang sa dulo ng halalan ay mananatili siyang lumalaban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.