Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson nagdalawang-isip sa death penalty

0 234

Naniniwala si Partido Reporma standard-bearer at Senador Panfilo Lacson na dapat pag-aralang mabuti ang pagpapataw ng death penalty sa mga heinous crimes na kinbabibilangan din ng plunder at iba pang uri ng large scale corruption.

Ayon kay Lacson, sa panayam nito sa radio station DZRJ, bagama’t isa aniya siya sa pangunahing proponent ng capital punishment, kinakailangan ang masusing pag-aaral dito bago tuluyang maisabatas upang maiwasan ang maling pagpapatupad dito.

“Ako nagpa-file lagi ng bill tungkol sa death penalty, pero maraming mga development na ako mismo ngayon ay nagdadalawang isip,” ani Lacson kasabay ang pagtukoy sa maraming life stories kung saan napaparusahan ng kamatayan ang mga walang kasalanan.

SM food to go Banner Ad

Sa kabila nito ay patuloy pa rin niyang isusulong na mapasama sa dapat na mahatulan ng kamatayan ay ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na may kasong pandarambong.

“Ang plunder ay kasama sa capital offense, ang bilang niyan ay heinous crime na rin. Katuna­yan ‘yung original bill ko diyan ay kasama ‘yung plunder at large scale corruption na maisama sa hatol ng kamatayan,” dagdag pa ni Lacson.

Ang death penalty ay isa sa top legislative agenda ng Senado ngayong taon. Kabilang ito sa top-20 list na iniharap noong Enero ng runningmate ni Lacson na si Senate President Vicente Sotto III. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.