Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson nalito sa posisyon ng Pangulo kay Duque

0 296

Nagbibigay umano ng ‘mixed signals’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakita nito ng suporta kay Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng paghahabol sa mga sangkot sa iregularidad sa PhilHealth, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“While he unequivocally stated before that he was giving the DOJ-led task force a free hand in the conduct of their investigation, even announcing to all and sundry that he will adopt whatever findings the TF has and even join [Justice] Secretary [Menardo] Guevarra in signing the complaint sheet, he is saying another thing when it involves Duque,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter.

“As netizens would often express their confusion, ‘Ano ba talaga kuya?'” dagdag pa nito.

Sa kabila na pagkalito sa pahayag ni Duterte, tiwala si Lacson na hahabulin ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang iba pang mga opisyal at personnel ng PhilHealth na sangkot sa katiwalian sa ahensiya.

“I have no reason to doubt the probity and consistency of DOJ Secretary Guevarra in performing his assigned task,” sabi ni Lacson.

Ginawa ni Lacson ang reaksyon matapos ihayag ni Duterte noong Lunes ng gabi na walang siyang nakikitang rason para kasuhan si Duque kaugnay ng anomaly sa PhilHealth. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.