Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson nasungkit mga botante sa Catanduanes

0 44

Mas luminaw pa ang tsansa ni independent presidential candidate Panfilo `Ping’ Lacson na makakuha ng malaking boto sa Bicolandia partikular sa Catanduanes matapos na bumisita sa naturang probinsya.

Taliwas ito sa mga ibinabalitang mayroon nang mabigat na sinusuportahang kandidato ang rehiyon.

Naramdaman ni Lacson sa kanyang pagbisita sa Virac, kapitolyo ng Catanduanes, ang mainit na pagtanggap sa kanya mula pa lamang sa courtesy call kay Mayor Sinfroso Sarmiento hanggang sa idinaos na town hall meeting sa Catanduanes State University.

“O magpapalit na ba kayo? Kailangan lang pala kayong dalawin ng personal,” natatawa subalit seryosong banggit ni Sarmiento matapos na magkagulo ang mga staff ng munisipyo sa pagpapalitrato kay Lacson nang ang kandidato ay dumating sa munisipyo ng Virac.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hiling din ng alkalde na sana ay dumami pa ang makaalam ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) na isinusulong ni Lacson para mas magkaroon ng tsansa ang mga mahihirap na lokal na pamahalaan na maingat ang antas ng pamumuhay sa kanilang mga lugar.

Ang BRAVE ay naglalayong direktang pagkalooban ng budget ng pambansang pamahalaan ang mga local government unit mula sa lalawigan, lungsod, munisipyo at mga barangay para sa mabilisang paglikha ng mga proyektong magbibigay ng kita sa mga residente ng mga lugar.

Si Sarmiento ay sinasabing miyembro ng partido PROMDI pero dahil hindi nakapaglunsad ng tuloy-tuloy na pambansang kampanya ang hanay nito ay sinasabing kay Lacson na ang direksiyon ng pagsuporta nito.

Naging seryoso naman ang naging paksa ng usapan nina Lacson at Catanduanes Governor Joseph Cua tungkol sa plataporma ng presidential candidate sa pangangasiwa ng budget, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.