Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson nilantad mga sangkot sa PhilHealth scam

0 520

Sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso hinggil sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ipinaalala ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa kanyang mga kasamahan ang aniya’y dati nang “cast of characters” na laging nasasangkot sa mga iskandalo sa ahensya.

“If we look closely enough, the story only revolves around the same cast of characters – a circle of high-ranking officials who manage to hog their seats despite the change of leadership and detailed anomalies that we already unearthed in the past,” sabi ni Lacson.

Una, si Atty. Rodolfo `Jojo’ del Rosario, kasalukuyang senior vice president for Legal Sector, na nasangkot aniya sa maraming isyu kabilang dito ang malinaw na conflict of interest sa building lease contract ng Duque-owned Educational and Medical Development Corporation (EMDC) at ng PhilHealth para sa office building ng ahensya sa Region 1.

Nasangkot din aniya ito, bilang officer-in-charge ng IT Management Department, sa pandarambong sa multi-million PhilHealth premium contributions ng Accenture Inc. Gayundin sa dalawang magkasunod na Zero Performance Rating ng Governance Commission for GOCCs (GCG) sa Legal Sector.

Tinukoy din ni Lacson si Dr. Israel `Ish’ Fargas, ang senior vice president for Health Finance Policy Sector; at si Corporate Secretary Jonathan Mangaoang, na siyang pumukaw sa mga alegasyon ng grave abuse of discretion ng PhilHealth Board matapos baliktarin ang final and executory judgment ng Court of Appeals (CA) hinggil sa tatlong buwang suspensiyon at P10,000 multa na ipinataw sa Perpetual Succour Hospital.

Naging bulag din aniya si Dr. Fargas sa notoryosong polisiya na tinatawag na All Case Rate o ACR payment scheme ng PhilHealth na naging dahilan ng malakihang pagkalugi nito dahil sa overpayment at pandaraya.

Pinangalanan din ng senador si Mr. Dennis Mas, senior vice president for Management Services Sector na kinasuhan ng Office of the Ombudsman dahil aniya sa pagkakasangkot sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) fake receipt cam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.