Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson `Outstanding Public Servant’ sa Star Awards

0 97

Ginawaran ng parangal si Senador Panfilo `Ping’ Lacson bilang `Outstanding Public Servant’ sa katatapos lamang na Star Awards 2021.

Ang Star Award 2021 ay itinatag ng mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na binubuo ng mga entertainment reporter at journalist mula sa print, online at iba pang media platform.

Labis naman ang pasasalamat ni Lacson sa parangal na iginawad sa kanya ng Star Awards.

“In my long years in public service I always maintain that there is no way one can impose to others what you cannot practice yourself. As I say, leadership by example is always the key and there could be no other way. This is why I always live by my personal credo: what is right must be kept right and what is wrong must me set right,” bahagi ng talumpati ni Lacson matapos na tanggapin ang parangal sa kanya.

Tiniyak ng senador na lalo pa niyang ipagpapatuloy ang mga adbokasiya para sa maayos at mabuting pamamahala para sa kapakanan ng mga kapwa Pilipino.

SM food to go Banner Ad

“I am humbled by this special award from your organization. Rest assured that I will be as committed and relentless in advocating tenets of good governance as we continue our work for our fellow Filipinos,” he added.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ng media ang kakayahan ni Lacson sa serbisyo publiko. Binigyan na rin siya ng Special Medal of Honor ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at iba pang organisasyon.

Apat na dekada nang naglilingkod sa pamahalaan si Lacson kung saan ay pinamunuan nito ang Philippine National Police (PNP). Siya rin ang dating namuno sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na nilabanan ang mga kurakot na opisyal at mga sindikato sa bansa.

Pambato si Lacson ng Partido Reporma sa halalan sa susunod na taon bilang kandidato sa pagka-pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.