Abante Tonite Interactive

Lacson: P30B budget sa mga evacuee sapat ba?

149

Dapat alamin ng Kongreso kung kasya o hindi sapat ang P30 bilyon supplemental budget na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

“There is no saying that I am not supporting the expeditious passage of the budget measure. I’m only sa­ying we have to find out if P30 billion is a bit more or even not sufficient to help the LGUs (local government units) affected by the Taal Volcano eruption,” pahayag ni Lacson sa isang statement kahapon.

“We will have to find out how much is readily available in calamity funds of the national government…and the LGUs (local government units),” dagdag nito, patungkol sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund at Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF).

Paliwanag ni Lacson, sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Act of 2010, inaatasan ang mga LGU na maglaan ng limang porsiyento ng kanilang source of income kabilang ang kanilang internal revenue allotment para sa kanilang LDRRMF.

“If unexpended since there are no calamities, the cumulative LDRRMF are kept in a special fund to be used in situations like the Taal eruption,” sabi ni Lacson.

Ang naturang probisyon ay para rin sa lahat ng ba­yan at barangay na naapektuhan ng kalamidad. (Dindo Matining)