Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Pa-raffle sa mga bakunado dapat ligal

0 249

Sinang-ayunan ni Senador Panfilo Lacson ang hakbang ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan na magpa-raffle at magbigay ng insentibo sa mga magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Lacson, magandang hakbang ito subalit kailangan aniyang lahat ay ligal at “creative”para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna.

“We should use all legal – and creative – means possible to have every Filipino vaccinated,” sabi ni Lacson.

Tinawag ng senador na “good moves” ang mga pa-raffle at iba pang isentibo upang mahikayat ang mga Pinoy magpabakuna kaugnay na rin sa layuning magkaroon ng herd immunity ang Pilipinas laban sa COVID-19.

Una rito, napabalitang magpapa-raffle si Cong. Camille Villar ng bahay at lupa sa mga residente ng Las Pinas na magpapabakuna kontra COVID-19.

Sa San Luis, Pampanga ay isang baka naman ang ipapa-raffle sa mga magpapabakuna. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.