Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Palit-kandidato baklasin sa election law

0 86

Pabor si Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa panukalang tanggalin na ang ‘substitution rule” sa Omnibus Election Law.

“I fully support the amendment of the Omnibus Election Code na ‘pag nag-file ka, that’s it. Either withdraw or you push through. Wala na dapat `yong mga substitution,” sabi ni Lacson sa isang forum sa Quezon City.

Mungkahi pa ni Lacson, dapat payagan lamang ang substitution kung ang isang kandidato ay namatay o wala nang kakayahang ipapagtuloy pa ang pagtakbo sa posisyong kanyang napili.

SM food to go Banner Ad

Sa Kamara, naghain si House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ng panukala para ipagbawal na ang pagpapalit ng kandidato ng isang partido maliban na lamang kung ito ay namatay o na-disqualified ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Rodriguez na bumababa ang integridad ng halalan dahil iniisip ng mga botante na hindi seryoso ang tumatakbo.

Kung dini-disqualify umano ng Comelec ang mga naghahain ng certificate of candidacy (COC) dahil sa tingin nito ay pinaglalaruan lamang ang halalan dapat din aniyang idiskuwalipika ang mga tao na wala talagang intensyon na tumakbo. (Dindo Matining/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.