Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson panalo plataporma sa mga tsuper

0 50

Walang panliligaw at wala ring kapalit kundi isang kongkretong plataporma lamang ang naging sandata ni presidential candidate Panfilo `Ping’ Lacson para masungkit ang suporta ng iba’t ibang public transport group.

Ito ang inihayag ni Lacson matapos ang ginawa nilang motorcade sa pitong lungsod sa Metro Manila noong Linggo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Inorganisa ito ng Pasang Masda sa pangunguna ng presidente na si Ka Obet Martin at iba pang mga kaalyado nilang organisasyon.

Nagkaroon aniya sila ng maiksing pag-uusap ni Martin at nalaman dito na sinubaybayan ng kanilang grupo kung sino ang susuportahan at masuwerteng napili ang grupo ni Lacson dahil sa plataporma nito para sa public transport.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw din ni Lacson sa press conference matapos ang motorcade na hindi galing sa kanilang kampo ang plano para gawin ito.

Bukod sa Pangkahalatang Sanggunian Manila at Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), suportado rin sina Lacson ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).

Tumagal ng limang oras ang caravan na dumaan sa mga lungsod ng Quezon, Caloocan, Maynila, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.