Abante Tonite Interactive

Lacson: Patawarin sana ni God si Duterte

By
2,312

Umaasa si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mapapatawad ng Diyos si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng paulit-ulit nitong banat sa Panginoon.

Sinabi ni Lacson na sa pagitan ng Panginoon at ng Presidente ay hindi na nito kaila­ngan mag-isip kung sino ang dapat katigan.

“Between him and may God to whom I pray every single day and with Whom I’ve found solace and comfort in all my difficult times, I don’t have to think of my choice. May my God forgive him and make him atone for all his sins,” saad ni Lacson.

May himig pagsisis­i pa kay Lacson nang aminin nito na sa lahat ng political issue ay kinatigan nito ang Pangulo kahit may pagdududa siyang nararamdaman.
Ito anya ay dahil naniwala siyang kakaiba ang Pangulo sa lahat ng mga naging presidente ng bansa.

Inakala pa anya nito na si Duterte ay regalo mula sa Diyos at umasang mararamdaman ng bansa ang tunay na pagbabago para sa kaunlaran.

Ang reaksyon ni Lacson ay kasunod ng “Who is this stupid God” na pahayag ni Duterte.