Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson pinakahanda sa lahat ng presidential bet

0 167

Mas lumutang ang kahandaan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na pamunuan ang bansa kumpara sa kanyang mga kalaban sa presidential election sa Mayo 9, 2022.

Ito’y matapos ang matapang niyang pagharap sa unang edisyon ng presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) noong Sabado.

Bukod sa mga positibong komento mula sa mga netizen ay iba’t ibang personalidad din ang nagpahayag ng kanilang obserbasyon sa naging magandang performance ni Lacson.

Kabilang dito ang batikang radio host na si Cesar Chavez na sa kanyang Twitter post ay sinabi kung gaano kabihasa si Lacson sa pagtugon sa mga mahihirap na tanong.

“Kabisado ni Sen Ping Lacson ang facts and figures, context and perspective sa anti-poverty response,” tweet ni Chavez.

“Iyong iba mukhang nasa bilyaran kagabi, ‘di preparado,” ayon pa sa bahagi ng kanyang tweet.

Maging si Philippine Airlines (PAL) spokesperson Cielo Villaluna ay humanga kay Lacson na inilarawan niya bilang “competent, qualified at experienced.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.