Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson pinamukha sa China: `Pag-asa Island atin ito!’

0 54

Pinangunahan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang isang grupo na bumisita sa Pag-asa Island lulan ng pribadong eroplano galing Maynila, dala ang bagong bandila ng Pilipinas na itinaas niya sa isla bilang simbolo ng pakikiisa sa mga Pilipinong naninirahan ditto.

Nagpunta si Lacson sa Pag-asa Island na may 225 kilometro ang layo mula sa Ayungin Shoal, para personal na humingi rin ng update mula sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa sitwasyon ng seguridad sa naturang teritoryo ng bansa.

Ang kanyang pagpunta sa Pag-asa Island ay halos kasunod lamang ng insidente ng pambobomba ng tubig ng mga Chinese Coast Guard sa dalawang Philippine supply boat na maghahatid sana ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga sundalong Pilipino na nakaistasyon sa Ayungin Shoal.

Si Lacson ang chairperson ng Senate committee on national defense at ang pagpunta nito sa isla ay bahagi ng kanyang pangako na malalim na pag-aaralan ang isyu sa West Philippine Sea at makakuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source para makagawa ng mas maayos na plano at solusyon na makalulutas sa isyu hinggil sa teritoryo ng bansa.

Ang Pag-asa Island ang pangalawang pinakamalaking isla sa pinag-aagawang Spratlys archipelago na kabilang sa teritoryo ng Pilipinas. Matatagpuan ito 480 kilometro sa kanluran ng Puerto Princesa City at nasa hurisdiksyon ng Kalayaan, Palawan.

Ang Kalayaan Group of Islands ay dineklarang teritoryo ng Pilipinas sa bisa ng Republic Act 9522 o An Act to Define the Baselines of the Territorial Sea of the Philippines noong 2009, alinsunod sa Article 121 ng United Nations Convention on Law of the Sea (UNCLOS).

Hindi inanunsiyo ang pagpunta nina Lacson sa isla para na rin sa seguridad.

Samantala, matapos ang kanyang pagbisita sa Pag-asa Island ay ibinunyag ng Partido Reporma sa 2022 presidential election ang isang insidente na nangyari sa kanila.

“A few days ago before that, as we were approaching the airstrip in the island, our pilot was challenged by one of the Chinese Coast Guard vessels stationed a little beyond the 3-nautical mile distance from the island of Pagasa,” ani Lacson.

“As we landed on the airstrip, nakabasa ako ng text, “Welcome to China.” This is unusual,” aniya.

Binigyang-diin ni Lacson na kailangan magkaroon ng balance of power sa mga pinag-aagawang teritoryo. Hindi umano kakayanin ng Pilipinas kung mag-isa lamang at kailangan palakasin ang alyansa natin sa iba pang bansa katulad ng European Union, United States, Australian, Japan, Canada at mga kapit-bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN.

Nagkausap din sila ng pagkakataong magkausap ni Western Command chief Lt. Gen. Ramil Enriquez.

“As we received a briefing from Wescom commander Lt Gen Enriquez ito kasama sa discussion namin. I suggested to him to influence our national leadership to go in that direction. Kasi we’re so helpless. Parang ‘Welcome to China,’ tapos being challenged by a Chinese Coast Guard vessel, parang we’re encroaching on their territory. Ang incident sa Ayungin is unacceptable,” sabi ni Lacson.

Nakita rin ni Lacson ang sitwasyon ng mga kababayang Pilipino sa isla kung saan ay nasa 193 katao ang nakatira, may isang elementary school at dalawang guro na siyang nagtuturo sa 34 na estudyante sa iba’t ibang grade.

Kailangan talaga aniyang sumaklolo sa lugar ang pamahalaan at nakabuti na nagpatayo ang AFP ng eksktensiyon ng airstrip para makalapag ang mga regular aircraft.

“Ito ang natutunan namin from the inhabitants. And the leadership must respond to give them that sense of belonging to the country, pati ang ating sense of territorial integrity. Because we should enjoy sovereign rights … And here we are, ganoon ang nangyayari. Tayo ang china-challenge, tinataboy. Pathetic to say the least,” ayon pa kay Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.