Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson piniga BOC ayaw mag-level up

0 139

Kinuwestiyon ni presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang tila hindi pagiging interesado ng Bureau of Customs (BOC) para sa modernisasyon ng sistema nito.

“Why is BOC not interested to automate?” tanong ni Lacson sa isang opisyal ng BOC na dumalo sa pagdinig uli kahapon ng Senate Committee of the Whole sa isyu ng agricultural smuggling.

Ayon kay Lacson, 2018 pa nag-alok na siya na tulungan ang BOC para humanap ng karagdagang pondo para sa full automation ng lahat ng transaksiyon ng ahensiya.

Subalit hindi aniya interesado ang mga opisyal ng BOC noon.

“Why are you not interested to automate? I offered my help to augment the BOC funds to fully automate and this was in 2018, but I did not get a positive reaction from BOC,” ani Lacson.

Sagot naman ni BOC Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla, marami na umanong pinasok na modernization project ang ahensiya at magbibigay sila sa Senado na listahan ng kanilang mga ginawa hinggil dito.

Tinanong din sa pagdinig ang BOC kaugnay sa digitalization program ng ahensiya na mainam na pangharang laban sa smuggling sa bansa.

Sabi naman ni Maronilla, na-automate na nila ang ilan sa kanilang proseso subalit ang digitalization project ay nasa inisyal na antas pa lamang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.