Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Pondo sa PCOO `di puwedeng i-hostage

0 69

Hindi umano maaring basta na lang i-hostage ng mga kongresista ang 2021 budget ng Presidential Communications Operation Office (PCOO) para lang mapuwersang magbitiw ang isa sa mga opisyal ng naturang tanggapan, ayon kay Senado Panfilo Lacson.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos suspendihin ng House appropriations committee ang budget deliberation matapos akusahan ng Makabayan bloc si PCOO Undersecretary Lorraine Badoy na pag-tag sa kanila bilang lider ng mga komunistsa.

“If the whole Congress will throw its support to congressman Zarate and the rest of the Makabayan bloc, then baka mayroon pang papuntahan. But if not, hanggang d’yan lang iyan,” sabi ni Lacson sa isang panayam.

“We cannot sacrifice the whole budget for the retention or the resignation of a government official. Hindi naman puwedeng ma-hostage iyong buong budget,” dagdag pa nito.

Sabi ni Lacson, ang pagbibitiw ay isang personal na desisyon at nasa tao na ito kung gagawin niya o ito hindi.

Nauna nang inihayag ni Badoy na hindi niya kakagatin ang panawagan ng Makabayan bloc na magbitiw sa puwesto dahil hindi naman niya nililinlang ang taumbayan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.