Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson presidente o retiro sa 2022

0 141

Inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na dalawa lang ang nakikita nitong ng opsiyon: ang tumakbo sa pagpa-pangulo sa 2022 national election o magretiro na sa politika.

Wala rin umano itong planong tumakbo sa pagka-senador sa pangatlong termino.

“It’s between gunning for presidency or retirement, ang iniisip ko. Yung pagbalik sa Senado, kasi naka-tatlong terms na rin ako,” pahayag ni Lacson sa online interview ng mga reporter.

“Sa tingin ko sa legislative work parang I can say, and this is me talking to myself — I would say ‘I’ve done my part, pagdating doon,’” dagdag pa nito.

Gayunpaman, sinabi ni Lacson na “tentative” pa umano ang posibleng pagtakbo niya sa pagka-pangulo kahit kinukumbinsi siya ni Senate President Vicente Sotto III.

“Ganun ang aming naging usapan at nandun pa rin kami sa ganung situation. Siya mas determined, ako very tentative,” sabi ni Lacson.

“Ang talagang nagho-hold back sakin yung situation, present situation sa ating bansa. Napakaraming problema. Ang una dapat tanungin nung mga nagpaplanong tumakbo, kaya bang i-solve yung mga problema? Yun ang unang consideration,” dagdag nito.

Sabi ni Lacson, sa ngayon aniya’y nasa proseso pa ng konsultasyon sila ni Sotto sa ilang eksperto kabilang ang mga dating opisyal ng mga nagdaang administrasyon para matugunan ang problema ng bansa, partikular ang pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.