Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson public servant na puwedeng ipagyabang

0 68

Ngayong panahon ng eleksyon at kanya-kanyang paandar ang mga politiko para magpakilala sa taumbayan, magandang matanong natin kung mayroon bang public servant ngayon na pwedeng maging modelo at tularan sa performance at pamamahala sa gobyerno.

‘Yung mapapasabi tayo na nakaka-proud magkaroon ng ganitong klase ng lingkod-bayan.

Kung pagbabatayan ang isyu sa korapsyon, si Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang talagang proud at siniguro na walang nadikit na isyu ng anomalya sa kanyang pangalan o maging ng kahit sinong miyembro ng pamilya.

Sa kanyang YouTube channel na “iPing TV” tinukoy ni Lacson ang dalawa niyang anak na sina Jay at Panfilo Jr. o “Pampi” na mahigpit niyang pinangaralan at pinupukpok sa kanila ang pagiging patas, responsable at pagkakaroon ng integridad lalo na tungkol sa katiwalian mapa-gobyerno man o hindi.

Siya mismo ang nagsabi na kung nakagawa ng krimen ang kahit sino sa anak niya, siguradong ipapakulong niya ito.

“Kung may alam kang talagang krimen, o kasalanan or smuggling, file-an mo ng kaso. Hindi ko ‘yan papakialaman,” sabi pa ni Lacson.

Kinuwento rin ng asawa, dalawang anak, at security aide ni Lacson kung gaano ito ka-istrikto at seryoso pero mapagmahal at umuunawa sa kalagayan ng iba.

Halimbawa na lang ang mga gumagamit ng wang-wang sa daan, sabi ni Lacson, “Noong nag-chief PNP ako, never ako nagpapa-wang-wang. Kasi feeling ko lagi, kung ikaw ang nasa posisyon ng winawang-wangan mo’t pinatabi at nagmamadali ka rin, ‘di ba napapa-curse ka o galit ka. Ilagay niyo rin ang sarili ninyo sa nilalampasan natin at winawang-wangan natin.

Tila may payo rin si Lacson sa mga nagbabalak gumamit ng wang-wang para makapanlanmang sa daan, “Gusto ko talaga palagi mayroong 5-10 minutes na allowance na naandyan ako. Even sa mga committee hearing, andyan na ako nakapuwesto ako 5 minutes before mag-start ‘yung hearing.”

Maging sa mga tauhan nito, lagi niya ring paalala na maging low profile at hindi super VIP ang datingan. Kaya ang mga anak ni Lacson na sina Jay at Pampi proud sa ama.

“Si daddy will always be a father and a public servant hindi lang siguro kami, everybody will always be proud of dahil doon sa track record niya. Bilang ama naman mukhang seryoso, sobrang istrikto pero mapagmahal talagang daddy si daddy Ping,” sabi ni Jay.

Para naman kay Pampi, “Sa akin simple lang, ‘ang tama ipaglaban, ang mali labanan’. Nakalakihan namin lahat ‘yun eh.”

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.