Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson sa PhilHealth execom: Resign na kayo!

0 185

Dapat maraming pang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bumaba sa kanilang puwesto o `di kaya’y suspendihin na lang sa gitna ng imbestigasyon sa malawakang korapsyon sa ahensiya, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Kasunod na rin ito ng pagbabakasyon umano ng anim na regional vice president ng PhilHealth habang iniimbestigahan ang ahensya.

SM food to go Banner Ad

“The RVP’s have shown the way. The members of the Execom should immediately follow and vacate their offices right away since they are the ones at the center of recurring controversies involving massive corruption [in PhilHealth],” sabi ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter.

Kapag binakante aniya ng mga naturang opisyal ang kanilang puwesto ay mawawala ang mga pagdududa sa integridad ng mga dokumento ng PhilHealth na maaari umanong makompromiso kapag patuloy na mayroong access sa kanilang files ang mga opisyal. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.