Abante Tonite Interactive

Lacson sa PNP, PDEA: War on drugs rebisahin

By
0 1,343

Dapat pag-aralan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang ipinatutupad na anti-drug war kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga napapasama sa narco-list.

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, kung nadaragdagan sa halip na nabawasan ang pasok sa listahan, nangangahulugan ito na may mali sa aksyon ng mga awtoridad.

“There must be something wrong with the administrative, sa tingin ko one thing, mukhang sa street drug peddlers lang ang nahuhuli, kulang stra­tegy sa mga drug lord. Kung nadagdagan pa (narco-list) obviously may mali sa gawi nila. Kung lalo lumaki hindi dapat ipagmalaki yun dapat ikahiya na merong mali sa kanilang kampanya,” saad ni Lacson.

Sa huling report ng PDEA, mula sa 83, umakyat nsa 96 na personalidad ang pasok sa listahan ng mga narco-politician.
Muli namang iginiit ni Lacson na hindi dapat isinasapubliko ang laman ng listahan dahil hindi ito makakatulong sa kampanya.

Mas maigi para sa senador kung magsasagawa muna ng case build up at sampahan ng kaso ang mga kasama sa listahan sa halip na pangalanan lamang ang mga ito. (Dang Samson-Garcia)