Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson saludo kay Digong sa pagpasa ng ATB

0 756

Pinuri ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpirma ng kanyang panukalang batas na Anti-Terrorism Bill (ATB) para maging ganap na batas.

Ayon kay Lacson, nanaig ang malakas na political will ng pangulo sa kabila ng mga pressure na natatanggap dahil sa kontrobersyal na bill.

“Much credit goes to PRRD. With all the pressure coming from different directions against the signing of the Anti Terrorism Bill into law, at the end of the day, it is his strong political will that mattered most,” ani Lacson.

“I cannot imagine this measure being signed under another administration. If only for this, I take my hat off to the President,” aniya pa.

Marami ang tumuligsa sa anti-terrorism bill mula sa iba’t ibang grupo dahil sa pangamba na magamit ito ng gobyerno para umano patahimikin ang mga kalaban nito. Pero sinisiguro ni Lacson na hindi maaabuso ang nasabing batas dahil sa mga safeguard na kanilang isinama sa mga probisyon nito.

Kahapon, kinumpirma pagkakapasa ng nasabing bill, na isa sa probisyon ay ang pagdetine sa isang suspected terrorist ng 14 hanggang 24 na araw. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.