Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson, Sotto abangers sa 5 pang bigating Senate bet

0 100

Ikinukonsidera ng tambalan nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang apat o lima pang pangalan kabilang ang isang kilalang personalidad para makumpleto ang kanilang senatorial line-up para sa 2022 election.

“To be very candid about it, there are about four or five names that we’re looking at and all five names are experienced,” pahayag ni Sotto sa online interview ng mga reporter.

Sabi ni Sotto, kasalukuyan umano silang nakikipag-usap ng kanyang runningmate na si Lacson sa isang kilalang personalidad at posible sa Sabado ay mahikayat na nila itong sumama sa senator lineup.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Meron kaming kausap na malaking tao eh, baka sa Sabado magkasundo kami,” ani Sotto.

Noong Miyerkoles ay ibinunyag ni Sotto ang 10 personalidad na kasama sa senatorial ticket ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2022. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.