Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto: Bangko Sentral nilimas sa martial law

0 351

Pinaalala ng Lacson-Sotto tandem sa sambayanang Pilipino na walang magandang idinulot ang diktadurya sa bansa taliwas sa mga ipinapakalat na kuwento ng ilang kampo.

Sinabi ng dalawang batikang mambabatas na hindi dapat makalimot ang sinoman, lalo na ang mga nabuhay na ng mga panahong iyon, sa mga pangyayaring naganap kung bakit nag-aklas ang libu-libong Pilipino para patalsikin ang rehimen ng isang abusadong diktador.

“Paano mo makalimutan `yong na-ransack `yong treasury ng bansa. Pati `yong Central Bank, walang kamalay-malay, wala na palang laman, wala na pala `yong reserves natin, wala na palang pera kung saan napunta. Paano natin makakalimutan ‘yon?” ayon kay Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

“Gusto ba natin mag-undergo uli ng ganoon na dahil sa abuse ay nagkaloko-loko `yong bansa natin? Pati `yong moral values nawala e kasi sipsipan ang nangyari. Ito `yong masamang parang idinulot din,” dagdag pa ni Lacson sa ginanap na `Meet the Press’ forum kamakailan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, pinayuhan naman ng running mate ni Lacson na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang mga Pilipino, lalo ang mga hindi pa nabuhay noong martial law, na huwag basta magpapaniwala sa mga kasinungaliang ipinakakalat ng ilan na naging maganda at maayos diumano ang buhay ng mga Pilipino noong mga panahong iyon.

Para kay Sotto, walang katotohanan ang konsepto ng pagrerebisa sa kasaysayan dahil hindi na maaaring baguhin ang mga pangyayari sa nakaraan na naganap na.

“History is history. It has happened. Papaano mong makakalimutan? Gusto mong kalimutan, ikaw `yon, `di ba? Pero history will never forget history. Ganoon ang pananaw ko,” ayon kay Sotto na may mga personal na karanasan noong kasagsagan ng EDSA I.

Leave A Reply

Your email address will not be published.