Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto buhos suporta sa Negros

0 168

Lumagda sa isang manifesto ang 14 multi-sectoral group mula sa Binalbagan, Isabela at Himamaylan sa Negros Occidental para sa kandidatura nina Senador Panfilo `Ping’ Lacson at Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa 2022 elections.

Solido ang suporta para sa Team Lacson-Sotto ng 10 multi-sectoral association sa ilalim ng FEMSAB multi-sectoral association, tatlong chapter ng Alpha Kappa Rho Fraternity & Sorority (AKRHO) at youth organization na BIGALS (Binalbagan Gays and Lesbians Society).

Kamakailan nakiisa ang mga miyembro ng BIGALS at AKRHO sa HIV screening, na kabilang sa aktibidad ng kanilang grupo kabalikat ang mga volunteer nurse na miyembro rin ng iba’t ibang LGBTQ group.

SM food to go Banner Ad

Regular namang nagsasagawa ng feeding program sa pakikipagtulungan sa mga NGO ang mga AKRHO Fraternity & Sorority member.

Nag-print pa ng mga t-shirt ang mga AKRHO member kung saan nakahayag ang suporta nila para sa Team Lacson-Sotto 2022. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.