Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto hangad klarong patakaran sa e-sabong bilang proteksiyon sa publiko

0 27

Masusing pag-aaral ang kailangan para mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan at overseas Filipino workers (OFWs), sa pagtaya sa e-Sabong na talamak din sa mga social media platform.

Ito ang iginiit ni Partido Reporma chairman at presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Vicente “Tito” Sotto III sa kanilang pagdalo sa regular na “Meet the Press” na idinadaos tuwing araw ng Huwebes.

Para kay Lacson kailangang pag-aralan nang mabuti ang isyu hinggil sa online sabong at kung ano pakinabang nito sa publiko, “Kasi ang tanong diyan, is e-sabong a public utility? Kasi sa ngayon, mayroong bill from the house na na-transmit sa Senado para talakayin namin.”

Dagdag ni Lacson, mas malalim ang epekto nito sa usapin ng problemang panlipunan dahil kahit mga bata ay puwedeng tumaya gamit ang mobile o virtual wallet app.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So you can just imagine kung walang kontrol, if ever na payagan natin, dapat talaga ‘yung safety measures, ‘yung mga safeguards,” sabi pa ng presidential candidate.

Kailangan din umanong maproteksyonan ang mga OFW na nalululong sa ganitong uri ng sugal. Aniya, “Dapat ‘yung mga OFWs natin, kasi alam mo borderless ito e puro online ito e, tataya wala nang maipadala doon sa kanilang mga pamilya rito kasi natatalo doon sa [e-sabong] kasi online napakabilis lang ng tayaaan.”

Bukod sa malalim na pag-aaral ng mga ganitong problema, kailangan ding hingin ang posisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na mawawalan ng regulatory power kung magkakaroon ng legislative franchise at magiging independent ang e-Sabong sabi pa nina Lacson at Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.