Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto: Kasado na, walang atrasan

0 85

Mula sa umpisa hanggang ay wala nang atrasan ang tambalan nina Senador Panfilo `Ping’ Lacson at Senate President Vicente ` Tito’ Sotto III sa kanilang pinakamatinding laban sa 2022 national election.

Sabi ni Sotto, bukod sa kanila handang-handa na rin ang iba’t ibang grupo at mga taga-suporta nila sa buong bansa kaya’t hinding-hindi sila aatras sa laban na ito.

“No way, Our groups & supporters are all set already nationwide. Our large organizations have started early. We are in a point of no return,” tweet ni Sotto.

Hindi rin kinakabahan si Sotto sa malalakas na partidong kanilang makakalaban sa darating na halalan dahil kung tutuusin aniya ay Malaki at malakas ang kanilang alyansa laban sa alinmang political group sa bansa.

“Remember, Ping is Chair of REPORMA (Partido Demokratikong Reporma), Ronnie Puno is Chair of NUP (National Unity Party) & i’m Chair of NPC (Nationalist People’s Coalition). Together we are larger than any other political group,” diin pa ni Sotto.

Sa Oktubre 6 inaasahang maghahain ng certificates of candidacy (COC) sina Lacson at Sotto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Meeting kay Leni

Samantala, kinumpirma ni Senador Franklin Drilon na nakipagpulong si Vice President Leni Robredo kina Lacson at Sotto III noong Sabado.

Ayon kay Drilon, nakipagkita umano si Robredo sa dalawang senador sa pag-asang pag-isahin ang oposisyon.

“Yes, I confirm a meeting took place with Sen. Ping and Sen. Tito. I was part of the continuing effort of VP Robredo to unite the opposition. No agreement was reached,” pahayag ni Drilon sa panayam ng ABS-CBN nitong Linggo.

Aniya, may mga naka-iskedyul pa rin umanong mga pagpupulong.

“In my personal opinion, I think she is inclined to run for president, but it is best that you ask her. To emphasize, I am expressing my personal opinion,” sabi ni Drilon. (Dindo Matining/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.