Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto kasangga mga ninakawan ng kabuhayan

0 40

Nakikita ng mga nasa sektor ng agrikultura, katulad ng mga magsasaka, na malaki ang maitutulong ng Lacson-Sotto tandem para ibangon ang kanilang kabuhayan at mapangalagaan ang karapatan.

Inihayag ito ng grupo ng mga magsasaka sa Benguet na humingi ng tulong kay Partido Reporma chairman at presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson at sa running mate niya na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III para imbestigahan ang smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Ramdam umano ng mga magsasaka ang pag-asang makakamit nila ang hustisya dahil prayoridad ni Lacson ang pangangalaga sa sektor ng agrikultura at pagtugon sa kanilang hinaing, lalo ngayong talamak ang iligal na pagpuslit ng mga produktong agrikultural na pumapatay sa lokal na industriya.

Sa kanyang Facebook page, nanawagan si Lacson ng #WalangNakawanNgKabuhayan para iangat ang dignidad ng mga magsasaka gayundin ang mga negosyanteng Pilipino na sinusubukan pa ring makaahon sa epekto ng pandemya.

“Itaas natin ang dignidad ng ating local farmers sa pamamagitan ng pagtatangkilik sa kanilang mga produkto. Magtulungan tayo para hindi sila manakawan ng kabuhayan,” sabi ng senador.

Nauna rito, sa imbestigasyon ng Senado ay sinita at binusisi nina Lacson at Sotto ang paglusot ng mga smuggled agricultural product at pagbaha ng mga imported na gulay at prutas tulad ng strawberry, carrot at iba pa, sa kabila ng tambak na regulasyon at iba pang prosesong kailangang pagdaanan sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Customs at Department of Agriculture.

“Nararapat lamang po na ang mga produktong lokal ang bumabaha sa ating mga pamilihan at tinatangkilik ng ating mga mamimili,” giit ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.