Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto tandem reporma ang puntirya

0 41

Hindi umano kokontrahin ng tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senate Presidente Vicente Sotto III ang mga nagawa ng kasalukuyang administrasyong Duterte pagsapit ng kampanya para sa 2022 election.

Sa halip, isusulong ng Lacson-Sotto tandem ang mga reporma na hindi nagawa o saan nagkulang ang kasalukuyang gobyerno.

Ayon pa kay Sotto, magiging ‘neutral’ party ang kanilang tambalan ni Lacson sa susunod na halalan.

“Tingin ko (I think)…we are the alternative. We are not pro-administration; we are not opposition. We are neutral,” pahayag ni Sotto sa panayam sa Tele­radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi namin kokontrahin ‘yong magandang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. Kokontrahin namin ‘yong hindi magandang ginagawa o may mga kakulangan,” dagdag nito.

Noong Martes, kinumpirma ni Sotto ang kanilang pagtakbo ni Lacson sa 2022 election. Si Lacson ay tatakbo bilang pangulo habang bise presidente naman si Sotto.

Nang tanunging kung ano ang nag-udyok sa kanilang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa, sinabi ni Sotto na ito’y dahil sa pagmamahal sa bansa at ang kagustuhang isulong ang reporma sa bansa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.