Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson-Sotto wawalisin mga kotongero sa gabinete

0 78

Kakaibang uri ng disiplina ang naghihintaysa mga tiwaling opisyal ng gobyerno nasangkot sa pangingikil at iba pang ilegalna gawain sa oras na maluklok sa puwestoang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Vice President Vicente Sotto III.

“If we become President and Vice President of this country, Filipinos may yet witness the spectacle of a Cabinet member turned rogue being arrested for extortion. This is the kind of discipline that the Lacson-Sotto leadership intends to instill in government officials,” sabi ni Lacson sakanyang Twitter account.

“It’s about time na ang example ay manggaling sa kataas-taasan. Hindi puwedeng ang sinisibak lamang ay ‘yungmaliit at hindi sumusunod kasi nakikita sataas namamayagpag,” dagdag pa nito.

Nais din ni Lacson na muling isulong angdigitalization at interoperability system sa mga ahensiya ng gobyerno para mabawasanang korapsiyon.

Bagama’t computerized na ang Bureau of Custom, hindi pa automated ang system nitokaya’t nanatili pa rin ang human intervention at red tape.

“‘Pag pinalitan mo ang buong bureaucracy, mangangapa at kung madapuan, mangyayari nanaman. Dapat ang approach is systematic, hindi puwedeng tao lang ang papalitan,” aniLacson.

Sabi pa nito, karamihan sa mga kawani ng BOC ay inoobserbahan lang ang bagong tala­gang pinuno ng ahensiya sa loob ng ilanglinggo kung may ‘political will’ ito para sugpuin ang korapsiyon sa ahensiya.

“Marereporma rin ang mga tao. Pero ‘pagnakitang Task Force Pakilalalang, tapos bibigay din, backsliding lahat ‘yan,” ayon kay Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.